By ann skrilec Submitted by annski808 Date: 2011 Jun 20 Comment on this Work [[2011.06.20.06.58.19415]] |
sa bawat patak ng pighati parang bagyo ang hagupit binabayo ng higanteng kamao ang dibdib na puno ng pasa at dalita bawat yabag hakbang at apak puno ng sugat, dugo at bubog dala ng sakripisyong maabot ang di dapat hangad ay ligaya pero hungkag na alalaa sa gitna ng himala namamana sa dilim at kawalan ng pag asa marahil ay mahirap nga talagang abutin ang tanging hiling na parang bituin gumapang sa dambana ngunit nakaharang ay mga pana sundang at palaso sugat na singlalim ng dagat ang natamo walang kulang masyado lang labis akala mo lang mali pero masyasdo lang talagang tama hinde pa tag ubos ng mga isda akala mo lang wala na pero kailangan mo lang tumingin ng mas malalim pa huminga ka pumikit umidlip kumurap at lumingon walang nasa likod nasa harap mo lang kilalanin suriin bulatlatin himayin kamayin tingnan mo kung katulad ng dating huli huli na akala mo ay huli na nde pala akala mo naiiba pangkaraniwan lang pala isang imahe ng sinungaling na balintataw isang ilusyon na nakakasilaw wala kang dala wala kang sawa magmamahal iiyak mawawala lalayo babalik magpupunit sikdo ng init wala pakialam sa palo ng panahon hampas ng alon taas ng talon handang yumuko sumuko at magpagupo pero mali kasi di tama dahil sa pagmamadali mali ang nabibingwit panandaliang aliw pananadaliang ligaya maling pagmamahal maling pagtingin asan na nga ba ang aking hiling gaano pa kahaba ang babaybayin nakaraang kailangang lingunin pangyayaring dapat ng tapusin hapdi na dapat yapusin tama na lipas na ang kuaresma wala na akong ibang makita ako na lang nag iisa tahimik ang paligid ngunit may liwanag tuloy ang aking paglakad paalam sayo alaala wala ka ng lugar sa aking pupuntahan pa maraming salamat na minsan naging bahagi ka ng aking mapait na gantimpala |